I;m just not necessarily excited about your existence anymore. :))))
(via the--personal--quotes)
Wala lang.. Hindi naman ako malungkot dahil wala akong ka-date ngayong Valentines. Hindi rin dahil wala akong matatanggap na bulaklak o tsokolate. February 14, 2011 kasi yung araw na may unang nagsurprise sakin at may unang nagbigay sakin ng bulaklak (may video pa nga yun eh). December 8, 2011 naman yung araw na iniwan nya ako. Bago pa yun, nagkakalabuan na. Ang sabi nya hindi na daw sya sigurado. Wala na akong magawa. Ayun.. Wala lang.. 1st anniversary kasi SANA namin ngayon eh.. Dalawang buwan na ang nakalipas. Pero ngayon lang ako nakaranas ng pagkainggit sa mga magkasintahang magkahawak ang kamay habang naglalakad. Akala ko din kasi okay na ako..
Basahin mo man to o hindi, ang mahalaga nakapaglabas ako ng nararamdaman ko. Magiging okay din ako. :)
Narinig ko yung boses nya kanina. Sya yun, sigurado ako. May kausap sya sa phone at binanggit pa nya yung pangalan nung dalawa nyang tropa na kakilala ko. Bago sya mawala narinig ko ding may tumawag sa kanya. Siguro nilapitan nya kaya nawala sya sa likod ko. Hindi ko sya nilingon dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka pag lumingon ako at nakita kong sya nga yun, bumalik na naman ako sa day 1 ng pagmomove on ko. :(